PBA Standings and Schedule
Saturday, October 6, 2012
Complete Pido Jarencio's Post-Game Statement After Game 1 of the UAAP Finals
type='html'>
Coach Pido Jarencio of UST can be classified as one of the most outspoken coaches in modern-day college basketball, but we never saw or heard him be this disappointed, until how Game 1 of the UAAP Finals between his Tigers and the Ateneo Blue Eagles turned out (Ateneo won, 83-78). During the post-game press conference, he uttered these words:
“Ako diretsa ako makipagusap. Hindi naman patas yung tawagan. Sobra naman yun."
“Umakyat pa nga ako sa kanila. Sabi ko maging fair tayo sa mga decision natin."
“I’m not against Ateneo. Pero bakit ganun? Unfair naman sa min, dahil UST lang kami ganun ang tawagan? Sana ayusin nila. Kundi baka magkaroon ng people power dito."
“Sa akin, basta kami nag-e-enjoy lang kami. We enjoy the game. Ako positive ako sa team namin. Binigyan namin ng magandang laban ang Ateneo. Pero wag naman ganun. Sa atin lang, parehas naman tayo lumaban. Sana kung tinuturuan ko yung mga player na saktan mo ito. Saktan mo iyan, duraan mo ito, duraan mo iyan. Tayo fair and square ang laban natin. Yung mga players, kaya mahal ako niyan at kaya mahal ko rin sila, kung ano yung tinuro ko, yun ang nilalabas nila. Walang kalokohan. Walang bahid na pagdududa sa mga tinuturo ko. Kaya yung mga players ang puso buong buo."
“Kaso ayan na naman tayo. Let the players decide."
“Andun na iyun eh. Tinawagan rin si Karim ng mga fouls dun eh. Eh tuloy ‘di na nakaporma yung mga bata. Basta ako vino-voice out ko lang sa inyo. Never in my seven years na nag-co-coach ako sa UAAP na nagvoice out ako against the referees. Kaya lang bakit ganyan."
“Second coming. Tapos na nung elimination, may pangalawa na naman. Ganito na naman. Nakakasawa rin."
“Ang sinasabi ko, ‘Ok, tapusin natin ang laro. Eh tumawag kayo ng foul kay Teng eh, ‘di tatlong free throw yun, pa-free-throw-in niyo, kahit walang oras. Tapusin natin ng maayos lahat. Eh ba’t guilty sila? Ayaw nila tapusin."
“‘Coach, technical ka.’ Bakit eh nagwala ka may free throw pa. Paano mo ko i-technical eh wala nang oras? Titira na lang yung bata, si Teng. ‘Di pa nila binigay yun. Ako, bahala sila kung ano desisyon na ibibigay nila sa akin. Ako sinasabi ko lang yung totoo."
“Kailangan ba mag-e-English ako para paburan ako? Ganun ba labanan dito? Hindi totoo. Nasa Pilipinas tayo dapat tayong mga Pilipino mahalin niyang mga iyan."
“No, walang complaint. Basta ako umakyat ako, bumunot ako ng referee as sinabi ko sa kanila. Physical game ito Let the players decide the game not the referees."
“Ba’t hindi, eh nagpapakamatay yung mga bata. ‘Di ba lumamang pa kami ng isa. Lamang sila 10, ‘di kami bumitaw?"
“Ang ninipis ng tawag, ang kakapal ng mukha. Sana marinig lang din nila ako. Eh kasi naaawa ako sa mga estudyante babayad 250, pipila madaling araw. Ala una ng madaling araw nandyan na para mapanood lang kami. Mapanood Ateneo-UST game tapos gaganunin lang. De-deprive kami ng fair officiating. Bahala na sila. Ma-ko-konsensya din yang lintik na yun.”
Credits:
InterAksyon.com
No comments:
Post a Comment
Older Post
Home
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment